Dubbing? Industry? Chapter 2
Chapter 2
Sa lahat ng mga voice talents na sinasabing voice artists.
Anong kinekeber nyo sa salitang "voice artist"?
Noong pumasok ba kayo sa dubbing, kasama na ninyo ang salitang artist o nauunawaan na ba ninyo ang salitang sining sa paggamit ng boses?
Sa mga naging dubbers ko, naging advocacy ko na ng dubbing ay sining.
Siguro may ibang lumunok ng aking tableta... Pero karamihan sa inyo, hindi ba't buong yabang ninyong ipinagmamalaki na kayo at DUBBER?
Ano ang inangaw-ngaw nyo sa salitang artist..
Voice artist.
Dahil yung ang tinuturo namin sa kanilang kamalayan... Na hindi ito basta pagboboses... Ito ay sining ng pagboboses.
Bibalikan nyo na ba ang mga nagawa ninyo sa dubbing.
Tanong: umarte ba kayo habang nagda dubbing o sapilitan lang inilapat ang mga dialogue ng charater for the sake of dubbing.
Be honest... Kahit sa animè... Animated ba ang boses mo o sumigaw ka lang ng sumigaw na akala mo good acting?
Sa animè binago mo ba ang timbre ng boses mo para hindi kasing tunog ng timbre ng boses na ginamit sa pelikula na tunay na tao ang nagsasalita.
Mkinsan ba... Napanood mo ang sarili mong dinab at hindi mo makilala ang boses mo.... Na Ikaw pala ang nag dub sa character na yun?.
If so.. magaling kang dubber at sasabihin kong isa kang alagad ng sining sa paggamit ng boses.
Pero kung ngangawa ka at sabihin nating 21 years ka na sa dubbing... (Ang sikat kung tutuusin yung character, hindi dubber...) At lahat ng characters na nagawa mo ay iisa ang tunog .. teknik sa pag atake ng linya... Ano ang tawag sa yo?
Good reader bilang isang dubber.
At kung may mga katanungan kayo tungkol sa pagiging voice artist, one on one, face to face tayo at ako Naman ay willing and able to share ng aking kaalaman dahil motto ko naman yung pass it on... Bilang pay back time sa taong nagturo sa akin ng kung ano ang dubbing.
Sana huwag din kayong maramot at sakim sa kaalaman. Hindi sa atin ang pinagpapasasaan nating biyaya dahil sa pag gamit ng boses. Lilipas din tayo kaya kailangan nating magsanay ng mga papalit sa atin, kung may malasakit tayo sa tinatawag ninyong industriya ng dubbing na lagi nating ginigiba kapag may nag eeffort na gumawa ng hakbang.
Matuto sana tayong mag appreciate ng kapwa natin sa larangan ng trabahong ginagawa natin.
Bakit kailangang patamaan lagi ng pana at balaraw ang mga kapatid natin sa industriya?
Kung gumagawa kami ng paraan para magkaroon ng recognition ang dubbing industry na in the end... Kayo rin ang makikinabang... Bakit binubuwag at sinisiraan. Pati mga personal na adhikain, hindi palalampsin...
Harap sa salamin, kapatid. Baka may problema ka.
Comments
Post a Comment