Dubbing? Industry?

Chapter 1

Sino Ang gustong makipag one on one, face to face para bakangkasin Ang salitang artist?
Ano Ang batayan natin para tawagin kang artist?
Kung Ang magiging batayan natin sa pagiging artist ay mainstream sabihin na nating sa larangan Ng dubbing.... Nagda dub ako, pero Hindi sa mainstream... Hindi ako pwedeng maging artist! Hah?
At kung Hindi mo pa Sila nakatrabaho... Hindi rin sila pwedeng maging artist? 
Kayo ba Ang barometer para maging Isang artist Ang Isang voice talent.

Talagang magkaiba Ang voice talent at voice artist.
Kung Ang voice talent ay matagal na sa dubbing at iisang boses pa rin ang tunog mo sa ilang taĆ³ng karanasan sa dubbing sa kabila Ng napakaraming characters na nagawa Ng Isang dubber... Shall I consider you an artist? HINDI!
You remain as voice talent or a dubber.
And voice artist, kapag Ang Isang dubber nakapagdub  Ng kahit dalawang karakter pero, Hindi mo masasabing iisa lang tao Ang gumawa.... Yun Ang posibleng maging artist... Dahil may bahid Siya sa kanyang utak Ng Isang makaSINING na Gawain.
Sige... May pangalan ka na sa industriya... Anong industriya? 
Ng dubbing?
Pilit pong sinisira Ang industriya Ng dubbing dito sa Pilipinas. 
Pagsikat ka na at Kilala?
Bakit?
Nasa proseso ng trabaho Ang pagiging voice artist. Kung maliwanag na Ang pagboboses ay sining... Kung Tama Ang iyong ginagawa ayon sa makaSINING na Gawain, Hindi mo kailangang maging sikat. Dahil Ang kasikatan ay Hindi "siguro" batayan para Ikaw ay maging voice artist. Sikat ka nga pero Isang boses lang Ang kaya mong gawin na akala mo Naman, marami mong boses na nagawa... Tila lihis yun sa katotohanan para maging voice artist Ang Isang individual.
Masyadong discriminating Yung sabihin mong...you can call yourselves as voice talent, dubber, voice over... 
Saan Tayo nagsimula. Artist ka na ba pagharap mo sa mikropono?
Bakit there is so much hate among us?
Bakit Hindi Tayo matutong mag appreciate Ng talent Ng ibang tao?
Who do you think you are?
God's gift in the dubbing industry?
Bigla Kong naalala Ang aking mentor na si Tony O. Mabesa, national artist para sa sining Ng Teatro at professor  ko noong nag aaral ako Ng MA ko sa theatre sa UP diliman.
Sige .. I hope this will enlighten those madlang pipol who doesn't understand what they are doing in the so-called voice industry.
Offended ako dahil Hindi ako sikat... Kaya Hindi ako pwedeng maging artist.
May mga great artist na Hindi sumikat noong kanilang panahon pero nang mamatay Sila, Saka lamang Sila naging sikat dahil sining Ang naging usapin. 
Uulitin ko... Ang kasikatan o mainstream ay Hindi barometer para maging voice artist. 
May Nakita ako sa pezbuk, si Nong Lading na Taga zambo yata... Hindi Siya sikat sa mainstream pero definitely he is an artist.
Gumagawa Siya Ng radio drama... May babae at lalaki, Bata, matanda, dalaga, binata... Labanderang chsimosa... All by himself... Hindi Siya sikat sa Manila at definitely ulit... Hindi nyo Siya nakatrabaho, pero definitely, MAS magaling kaysa sa Inyo.
Take it from there.
Hanggang dito na lang at maraming Salamat po.
O, may gusto bang makipag one on one o face to face.
I will give my time.

Comments

Popular posts from this blog

The Big Business of Dubbing

May sariling Mundo ang CreatiVoices