Dubbing? Industry? Chapter 3

Chapter 3

Hindi na Galit.
Good morning.
Mainstream... Hahhahaha Yan po Ang boac river... Mainstream... Magalangoy na laang ako sa ilog namin dahil yun Ang mainstream namin. Walang makikialam at walang nambabatikos. Bwahahhahaha.
 Pag nasa mainstream ka...
Dapat professional ka... Professional o propaysional?
Dapat professional Lodi Tayo di ba?
You'll never know, itong mga binabatikos ninyo, ina-idolize Pala kayo tapos kung maka-upak kayo Ng comment ganoon na lang.
Ano Ang sinasabi ninyong professionalism? Nasaan?
Mga estudyante namin Sila na tinuturuan namin Ng VALUES para magkaroon Ng magandang kultura Ang inaambisyong dubbing/voice industry... Pero sinisimulan namin, sinisira Naman ninyo....
Nakakalungkot... Yung Ilan o karamihan... Doon Naman kayo nanggaling... At alam ninyo kung ano kayo noon at ano kayo Ngayon.
Hindi Naman itinuro na manaksak Tayo sa likod Ng kapwa voice talent. Hindi ba?
Nakakalungkot dahil yung mga nasa probinsiya na nagnanais maging  voice talent, na posibleng mas magaling pa sa mga nasa mainstream... Baka ma discourage dahil sa pag uugali Ninyo.
Panapanahon Ang angkin nating kakayahan, anumang larangan ito. Pagyamanin na lang natin at ibahagi sa iba na nagnanais maging katulad mo.
Hindi Naman Yan sa yo kaya di mo dapat angkinin. Natutunan mo lang Yan sa ibang tao... ipinasa sa yo sa pag asang ipapasa mo rin sa iba na walang pag-iimbot at pagnanasang angkinin Ang Hindi Naman sa yo. 
Ibahagi mo sa iba. Huwag tayong maging maramot.
Hindi dapat matakot sa pagsulpot Ng mga bagong talents... Generation nila yon sa labas Ng ating generation...
You are not here to stay forever. Walang ganoon.
Tandaan .. tanggapin natin na Ang Buhay natin sa planetang daigdig ay pana-panahon lang. 
Magandang Araw.

Comments

Popular posts from this blog

The Big Business of Dubbing

Dubbing? Industry?

May sariling Mundo ang CreatiVoices